Resulta ng adjudication process sa mahigit 300 pulis na kabilang sa narco list ni PRRD target na isumite ni PNP Chief Gamboa kay PRRD sa March 5

110

Plano ni Philippine National Police o PNP Chief General Archie Francisco Gamboa na isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang ginagawang adjudication process para sa 357 na mga pulis na kasama sa narco list ng Pangulo.

Ayon kay Gamboa, kahapon ay nakipagpulong siya sa Director ng PNP Intelligence at may mga isinumite na itong initial recommendation kaugnay ng nagpapatuloy na adjudication process.


Pero nais niya raw na tapusin muna ang adjudication process at para final recommendation na ang kanyang maisusumite sa Pangulo sa Marso 5.

Sinabi ni Gamboa, sa Marso 5 ay magkakaroon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP Command Conference sa Malakanyang kaya target niyang doon na ibigay ang resulta ng adjudication process.

Samantala, inihayag naman ni Gamboa na 19 na lamang ngayon ang mga pulis na kasama sa narco list ang absence without official leave o AWOL.

 

Facebook Comments