Resulta ng bagong survey, hudyat na kailangang aksyunan ng Senado ang panukalang economic Cha-cha

Umaapela sa Senado ang tatlong lider ng House of Representatives na aksyunan na ang panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution makaraang lumabas sa survey ng data research firm na Tangere na 57 porsyento ng mga Pilipino ang pabor dito.

Umaasa si Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., na pakikinggan ng Senado ang tinig ng taumbayan at gagawin ni Senate President Francis Escudero ang mga hindi nagawa ng mga naunang lider ng mataas na kapulungan kaugnay sa kailangang reporma sa ating saligang batas.

Nanawagan naman si Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez sa pamunuan ni Escudero na ipagpatuloy ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses o RBH 6 na syang nagsusulong ng economic Charter change (Cha-cha).


Binanggit naman ni Majority Leader at Zamboanga 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe na maaaring ipasa ng Senado ang RBH 6 sa pagbubukas ng third regular session ng 19th Congress sa Hulyo.

Ipinunto ni Dalipe na magiging abala na ang maraming politiko sa paparating na eleksyon kaya makabubuti kung agad na maipapasa ng Senado ang RBH 6.

Facebook Comments