Resulta ng drug test kay Puerto Princesa Vice Mayor Marcaida III, negatibo

Puerto Princesa – Negatibo ang naging resulta ng Palawan Provincial Crime Laboratory sa isinagawang drug testing kay Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida III kahapon.

Base sa report ng crime lab, hindi nag-positibo sa methamphetamine hydrochloride at THC o tetrahydrocannabinol metabolites si Marcaida matapos na kunan ito ng urine sample.

Isinagawa ang naturang pagsusuri matapos na makumpiskahan si Marcaida ng nasa 30 pakete ng shabu sa kanyang tahanan matapos ang isinagawang raid ng PNP DEG at PDEA kahapon.


Ikinatuwa naman ng kampo ni Vice Mayor Marcaida ang naging resulta ng eksaminasyon kung saan isa lamang daw itong patunay na hindi siya gumagamit ng iligal na droga at hindi totoo ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya na isa umano siyang protektor ng drugs sa buong siyudad.

Samantala, in-avail naman ng Bise Alkalde ang preliminary investigation matapos na mag-sumite ng waiver kung kaya’t pansamantala muna itong idi-detain sa Puerto Princesa Police Office.

Naglunsad naman ng isang vigil prayer kanina ang mga taga-suporta ni Marcaida sa tapat ng tangapan ng PNP para ipakita ang kanilang buong pusong suporta at pagtutol sa mga patayang nangyayari may kinalaman sa mahigpit na kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments