Resulta ng genome sequencing sa mga bagong COVID cases sa Pasay City, sa susunod na linggo pa lalabas

Kinumpirma ng Pasay Public Information Office na sa susunod na linggo pa malalaman ang resulta ng genome sequencing sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.

Layon nito na malaman kung UK variant ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng infection ng virus sa lungsod.

Sa ngayon, mahigit 500 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay.


Maging si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay muling sumailalim sa isolation at swab test.

Ito ay matapos mapaulat na nagpositibo na rin sa COVID ang kaniyang mister.

Facebook Comments