Resulta ng genome sequencing sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na 15 araw, inaantabayanan

Posibleng ngayong gabi o bukas lumabas ang resulta ng huling batch ng samples na isinailalim sa whole genome sequencing ng Philippine Genome Center (PGC).

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, kabilang sa mga nakunan ng sample ang dumating mula sa Burkina Faso, Egypt at South Africa noong November 15 hanggang 29.

Sinabi ni Vergeire na binatay sa pamantayan ang pagkuha ng sample sa mga pasaherong nagpositibo.


Ang isa aniya na nagpositibo ay mula sa 253 na dumating galing sa South Africa, 1 mula sa 3 pasahero galing Burkina Faso at 1 mula sa 541 pasahero mula Egypt.

Facebook Comments