MANILA – Pinatitiyak ni Independent Vice Presidentiable Candidate Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Comelec na protektado ang mga voting machine at transmission server na gagamitin sa darating na eleksyon.Ayon kay Escudero, inutusan na nila ng kanyang katambal sa pagka-pangulo na si sen. grace poe ang kanilang mga abugado at IT expert na makipag-ugnayan sa Comelec makaraang lumabas sa internet ang mga sensitibong impormasyon ng mga botante matapos ma-hack ang kanilang website noong Marso.Kabilang sa mga nakuhang impormasyon ay mga pangalan, kaarawan at tirahan, passport number, fingerprint at topography.Dahil sa insidente, sinabi ni escudero na maaaring magsampa ng kasong “Invasion of Privacy” at paglabag sa “Republic Act 10173” o “Data Privacy Act of 2012” ang sinumang botante na nalagay sa alanganin ang seguridad.
Resulta Ng Halalan, Pinasisiguro Sa Comelec Na Protektado
Facebook Comments