Resulta ng imbestigasyon hinggil sa pagpatay umano sa aktibistang si Randy Echanis, hintayin na lamang ayon sa Malacañang

Nanawagan ang Malacañang sa lahat na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad kasunod umano ng pagkakapatay sa Peace Consultant na si Randall “Randy” Echanis.

Batay sa statement ng Anakpawis party-list, si Echanis at kapitbahay nito ay napatay sa inuupahang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Sinabi ni dating Anakpawis Representative Ariel Casilao na sumasailalim sa medical treatment si Echanis at walang armas nang sugurin ng mga umano’y pulis ang kanyang bahay.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iwasan munang ikonekta sa anuman ang pagkamatay ni Echanis habang wala pang resulta ng police investigation.

Si Echanis ay long-time consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at dating chairperson ng Anakpawis party-list.

Facebook Comments