Manila, Philippines – Natapos na ng imbestigasyon ng Department of Justice at Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa kaso ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ito ang kinumpirma ni PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kung saan lumalabas na nagkaroon ng conspiracy o sabwatan sa krimen.
Ayon kay Triambulo, naisumite na ng PNP-IAS sa tanggapan ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Kasama na aniya sa mga isinumite kay PNP Chief ang rekomendasyon sa magiging estado ni Supt. Marvin Marcos at 18 iba pang pulis na pangunahing mga suspek sa krimen.
Tumanggi naman si Triambulo na banggitin ang naging hatol laban sa grupo ni Supt. Marcos dahil ang chief PNP ang pinal na nagdedesisyun dito.
Ang grupo ni Supt. Marcos ay kasalukuyang nakakulong sa Criminal Investigation and Detection Group-region 8 sa Leyte.
DZXL558