Cleveland Cavaliers, tinambakan ang Boston Celtics sa game 2 ng Eastern Conference Finals sa NBA

44

NBA – Tinambakan ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics sa game-2 ng eastern conference finals sa NBA.

Pinahiya mismo ng Cavs ang Boston sa mismong homecourt nito sa score na 130-86 at nanguna sa panalo ng Cleveland sina Lebron James na may 30–points at Kyrie Irving na may 23-points

Sa postgame interview kay Irving, sinabi nito na naging epektibo pa rin ang nauna nilang gameplan kung saan kanilang hinigpitan ang depensa sa Boston kaya’t hindi na sila nakapag-set pa ng mga maayos na offensive plays.

Sa Monday naman mapapanood ang game-3 sa homecourt ng Cavs habang bukas naman mapapanood ang game-3 sa pagitan ng Golden State Warriors at San Antonio Spurs.
DZXL558

Facebook Comments