Posibleng ilabas na ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng kanilang imbestigasyon laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde bago ito magretiro sa November 8.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson Rogelio Casurao, posibleng sa susunod na Linggo ay handa nila itong maisapinal na masusi nilang pinag-aralan base sa mga ebidensya at testimonya na mayroon sila.
Sakaling mapatunayang may partisipasyon si Albayalde sa isyu ng ninja cops partikular ang Pampanga Drug Raid noong 2013 ay maaari pa rin siyang sampahan ng NAPOLCOM ng kasong Administratibo.
Samantala, naibigay na ng NAPOLCOM ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa susunod na PNP Chief.
Facebook Comments