Resulta ng imbestigasyon ng National Food Authority kaugnay sa kontrobersyal na “fake rice” – inilabas na!

Manila, Philippines – Inilabas na ng National Food Authority ang resulta ng Laboratory Analysis kaugnay ng umanoy fake rice na nag viral sa Social Media kamakailan.

Sa pagsusuri ng Food Development Center na ginamitan ng microscopic analysis, negatibo sa anumang sangkap ng fake rice ang nakuha mula sa isang Rafael Furo Franco ng Lower Bicutan Taguig City.

Ayon Kay NFA Administrator Jason Lauriano Aquino, kumuha ang NFA enforcement officers ng sample mula sa nalutong kanin ni Franco para isailalim sa analysis.


Base sa inilabas na resulta, nagtataglay ng starch granules ang naturang bigas na matatawag na isang raw rice ang nakuha ni Franco.

Nang humingi umano ang NFA Enforcement ng sample ng bigas kay Franco ay sinabi nitong ibinalik na niya sa pinagbilhan ang sinasabi niyang fake rice sa Signal Market sa Taguig City.

Facebook Comments