Resulta ng imbestigasyon ng NBI, pwedeng gamiting ebidensya sakaling sampahan ng impeachment complaint si COMELEC Chairman Bautista

Manila, Philippines – Maaring gamiting ebidensya sa posibleng impeachment trial laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista ang magiging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre dahil si Bautista ay isang impeachable officer.

Paliwanag ni Aguirre, dahil mayruong immunity mula sa criminal prosecution si Bautista, hindi pa muna maaring isulong sa korte ang posibleng reklamong kriminal laban sa opisyal.


Ibig sabihin, para maipursige sa korte ang kasong kriminal laban kay Bautista, kinakailangan pa munang hintayin na siya ay bumaba sa pwesto, matapos ang kanyang termino o di kaya ay ma-impeach.

Dagdag pa ng Kalihim sakaling magkaruon ng impeachment proceedings, maaring maging star witness ang asawa ni Bautista na si Patricia.

Sakali namang mauwi sa amicable settlement o pagkakasundo ang mag-asawa, maari pa ring ituloy ang imbestigasyon ng NBI at maari pa ring maipursige ang impeachment complaint dahil hindi naman pribadong relasyon lamang ang sangkot sa isyu, kundi posibleng kaso ng katiwalian.

Facebook Comments