MANILA – Nilinaw ng Malakanyang na ang kabuuang report ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkakapatay kay Albuera, Mayor Rolando Espinosa ang pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte.Una na kasing sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siya sa bersyon ng PNP at siya rin ang mananagot dahil siya ang nag-utos na simulan ng PNP ang drug war.Ayon naman kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mga naunang pahayag ni Pangulong Duterte na pumapabor sa testimonya ng mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 8 ay batay sa ilalim ng presumption of regularity.Ibig sabihin lang nito aniya ay nasunod ang tamang proseso sa nangyaring operasyon.Dagdag pa nito, pakikinggan ni Pangulong Duterte ang lahat ng panig sa usapin, pero anuman ang maging resulta ng imbestigasyon ng PNP ay tatanggapin ng Pangulo.
Resulta Ng Imbestigasyon Ng Pnp Sa Pagkakapatay Kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, Tatanggapin Ni Pangulong Rodrigo Dut
Facebook Comments