Ipapalabas na ng Philippine Air Force (PAF) sa lalong madaling panahon ang resulta ng imbestigasyon nito hinggil sa pagbagsak ng C-130 aircraft sa Patikul, Sulu na nagbunga ng pagkamatay ng 50 military personnel at tatlong sibilyan noong Hulyo 4.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Jose Faustino Jr., nakausap niya na si General Allen Paredes, Commanding General ng PAF pero wala pa itong ibinigay na tiyak na petsa kung kailan ipapalabas ang ulat.
Tinukoy naman ang ulat ni Philippine Army Commander Lieutenant General Andres Centino kung saan hindi pa nila nakikilala ang 15 namatay.
Nitong nakaraang buwan, ang black box o flight data recorder ng ill-fated aircraft ay ipinadala sa Estads Unidos para sa pagsusuri.