Resulta ng imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Duterte, ipinasasapubliko na ng United Nations

Hinimok ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang gobyerno ng Pilipinas na isapubliko na ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bachelet, natapos na ng Inter-Agency Panel na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang batch ng drug cases pero hindi pa ito naipalalabas.

Hinimok naman nito Commission on Human Rights at iba pang katulad na ahensiya para matiyak ang epektibong proseso na malaking tulong sa mga biktima ng giyera kontra droga/


Maliban sa mga ito, nagpahayag din ng concern si Bachelet sa mga biktima ng red-tagging, environmentalists, and journalists at iba pa.

Facebook Comments