Resulta ng imbestigasyon ukol sa ninja cops, isusumite ng DILG kay PRRD sa susunod na linggo

Posibleng isumite na ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa ninja cops.

Ito ay kinasasangkutan ni dating Pampanga Provincial Director at ngayo’y PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde at mga dating tauhan nito sa kontrobersyal na drug raid noong 2013.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año – may mga indibidwal siyang iimbitahan upang mabigyang linaw ang isyung kinahaharap ni Albayalde.


Tumangging magkomento ang kalihim sa umano’y pagtawag ni Albayalde kay dating PNP Region 3 Director at ngayo’y PDEA Director Aaron Aquino kung saan namagitan si Albayalde sa dismissal order ng mga nasangkot na police.

Naniniwala ang DILG na hindi naapektuhan ng isyu ang kampanya kontra ilegal na droga.

Umaasa ang DILG na maibabalik ang morale ng PNP na bahagyang naapektuhan dahil sa isyu.

Facebook Comments