Guia Gomez-Castro, sinampahan ng murder

Sinampahan ng PNP ng reklamong murder ang drug queen na si Guia Gomez-Castro.

Si Castro ay nakikipagsabwatan sa mga pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga.

Ang kaso ay may kaugnay sa pagkakasangkot ni Castro sa pagkamatay ng isang ninja cop taong 2011.


Ayon kay dating NCRPO chief at ngayon PNP Directorial staff chief, Major Gen. Guillermo Eleazar – patuloy ang kanilang case build up.

Mayroon na rin silang mga testigong nakuha na magpapatibay sa kaso.

May drug case na ring ikinakasa laban kay Castro, sa kanyang asawa at mga kapatid.

Nasa Amerika si Castro at kanyang pamilya pero pinaghahanap na sila ng mga awtoridad doon matapos makansela ang kanyang visa.

Facebook Comments