Inaasahang lalabas ang resulta ng isasagawang clinical trial sa Ivermectin bilang gamot sa COVID-19 bago matapos ang taon.
Kasunod ito ng pagsisimula ng trial sa katapusan ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo na tatakbo ng 6 na buwan.
Ayon kay DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya, malaki ang maitutulong ng nasabing clinical trial sa pagdetermina ng epekto ng Ivermectin sa mga Pilipino.
Samantala, aabot sa 500 katao mula sa iba’t ibang lugar sa Quezon City ang nakatanggap ng libreng Ivermectin na ipinamahagi nina AnaKalusugan Partylist Cong. Mike Defensor, Deputy Speaker at SAGIP Partylist Cong. Rodante Marcoleta.
Pero nagbabala si Dr. Marissa Alejandria ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc., sa paggamit ng Ivermectin at iginiit na hindi pa sapat ang ebidensya para masabing mabisa ito laban sa COVID-19 kaya’t mas makabubuting hintayin na lamang ang resulta ng clinical trial.