Resulta ng laban kontra kay Horn, ikinadismaya ni Pacquiao

254

Manila, Philippines – Ikinalungkot ni People’s Champ Manny Pacquiao sa naging resulta ng laban nila ng Australian Boxer na si Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

Ayon kay Pacquiao – tila nabahiran ang reputasyon ng boksing sa kinalabasan ng kanilang laban.

Para sa assistant coach ni Pacman na si Buboy Fernandez – kung susundin ang professional rules ng boxing dapat binawasan ng puntos si Horn sa dalawang beses na accidental headbutt nito sa Pambansang Kamao.
Ngayong hapon, dumating si Pacquiao sa General Santos City at isang hero’s welcome ang inihanda ng pamahalaang lokal para sa kanyang team.


Facebook Comments