Senator Manny Pacquiao, balik Gensan na

168

Manila, Philippines – Kahit bakas ang mga bukol at pasa sa mukha, nakangiting balik Gensan si Senator Manny Pacquiao, isang araw matapos agawin ng Australyanong si Jeff Horn ang WBO welterweight belt ng senador.

Bukod sa military honor guards, kapansin-pansin na wala ang karaniwang pulutong ng tao na nag-a-abang sa dating kampeon.

Sabi ni Pacquiao, pahinga muna siya bago pag-usapan ang susunod na laban na naging kontrobersyal sa fans maging sa kampo ni Pacquiao.


Sinabi naman ni trainer Freddie Roach, susubakan niyang kausapin ng masinsinan si pacquiao para pag-isipan na ang posibleng pagreretiro.

Facebook Comments