Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang paunang resulta ng laboratory test sa mga pasyenteng na-food poison sa birthday party ni dating first lady Imelda Marcos.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – nagpositibo ang rectal swabs ng mga pasyente sa bacteria na staphylococcus aureus na siyang dahilan ng pagkalason ng mga pasyente.
Gayunman, kailangan pa itong isailalim sa cross checking procedure para matiyak na iisa ang bacteria na nakita sa mga sample.
Ayon pa sa kalihim, breeding ground talaga ng nasabing bacteria ang mga basag na itlog.
Matatandaang kabilang ang nilagang itlog sa mga handa ni ginang Marcos.
Facebook Comments