Resulta ng May 9 elections, tinanggap na ni Senator Lacson

61

Katulad ng kanyang katandem na si Senate President Tito Sotto III ay tinanggap na rin ni Presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson ang resulta ngayon ng partial unofficial counting ng mga boto nitong katatapos na eleksyon.

Sabi ni Lacson, ngayon ay makakapamalagi na sya sa kanyang tahanan.

Ayon kay Lacson, matagal syang nalayo sa kanyang tahanan dahil sa pagtutok sa pangangailan ng mamamayan.


Diin ni Lacson, ngayon na ang panahon para pagsilbihan naman nya ang kanyang pamilya.

Itinuturing ni Lacson na greatest reward o pinakamalaking gantimpala sa buhay nya na ma-enjoy ang kapayapaan at katahimikan sa harap ng buhay nating puno ngayon ng pagsubok.

Facebook Comments