Unang Babae na Elected-Mayor ng Tuguegarao City, Naiproklama na

33
Cauayan City, Isabela- Opisyal nang iprinoklama ng COMELEC ang pagkapanalo ni Maila Ting-Que bilang alkalde ng Tuguegarao City.

Si Ting-Que ay nakakuha ng 39,919 na boto sa siyudad habang ang kanyang katunggali na si incumbent Mayor Jefferson Soriano ay nakakuha ng 37,552.

Si Maila Ting-Que ay incumbent City Councilor at Ex-officio Board Member at ang kauna-unahang babaeng alkalde ng siyudad ng Tuguegarao.

Labis naman ang pasasalamat ng bagong halal na alkalde sa suporta at pagtitiwala ng kanyang mga kababayan sa lungsod.

Asahan umano ng publiko na pagbubutihin nito ang kanyang paglilingkod para sa ikauunlad pa ng Tuguegarao City.

Facebook Comments