Ibabatay ng Malakanyang sa magiging resulta ng National Vaccination Days kung kakailanganin pang isulong ang mandatory vaccination sa bansa.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexeni Nograles na kapag nakita nilang consistent at malaki ang naitalang bilang ng mga nabakunahan sa tatlong araw na pagbabakuna ay baka hindi na kailanganin pang obligahin ang publiko na magpabakuna.
Pinalawig ang malawakang bakunahan at mayroon pang ikalawang yugto, kaya inaasahang tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong mababakunahan.
Gayunpaman, aminado si Nograles na maaari pa ring maimpluwensiyahan ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong may bago na namang Omicron variant.
Facebook Comments