Resulta ng pag-aaral ng DOST-FNRI ukol sa epekto ng VCO, inilathala na sa international journal

Lumabas na sa isang international journal ang resulta ng pag-aaral ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition and Research Institute (DOST-FNRI) ukol sa epekto ng Virgin Coconut Oil sa mga suspected at probable cases ng COVID-19.

Ang Journal of Functional Foods ay inilathala noong May 25 kung saan lumabas ang resulta ng pag-aaral ng tanggapan sa epekto ng VCO bilang adjunct supplement laban sa COVID-19.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, sakop ng pag-aaral ang randomized, double-blind, controlled intervention sa 63 adults sa dalawang isolation facilities sa Santa Rosa, Laguna.


Ang bawat participants ay bibigyan ng standardized o controlled meal o kaya naman ay meal na may halong predefined dosage ng VCO.

Binantayan ang COVID-19 symptoms sa loob ng hanggang 28 araw.

Dito lumabas sa pag-aaral na ang mga pagkaing may halong VCO ay epektibo sa mabilis na ikakagaling ng mga pasyente laban sa COVID-19.

Nakakatulong ang VCO na mabawasan ang COVID-19 symptoms sa mga suspect at probable cases at maiwasang lumala pa ang sakit.

Facebook Comments