Resulta ng pag-aaral sa COVID-19 recovery ng Pilipinas, ipiprisinta ng UN Ph simula ngayong araw

Nakatakdang magprisinta ang United Nations in the Philippines (UN Ph) ng mga resulta ng pag-aaral, rekomendasyong pang-polisiya, at iba’t iba pang estratehiya kaugnay sa recovery sa COVID-19 ng Pilipinas.

Partikular na pag-uusapan ang may mga kaugnayan sa sistema ng pagkain; micro, small and medium enterprises (MSMEs); at ang industrial base ng bansa na may temang “ThrivePH: High-Level Discussions on Policies and Strategies to Leave No One Behind in COVID-19 Recovery.”

Ayon sa UN PH, layon ng gawain na magpatupad pa sa Pilipinas ng Socioeconomic and Peacebuilding Framework (SEPF) na nakabase sa siyensa.


Ang sunod-sunod na diskusyong ay magsisimula ngayong araw kung saan unang pag-uusapan ang epekto ng COVID-19 sa pagkain at iba’t ibang panuntunan sa Metro Manila.

Facebook Comments