Resulta ng pag-review ng binuong komite sa IRR ng GCTA, isusumite na ngayong araw

47

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Deo Marco na isusumite na nila ngayong araw kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año ang resulta ng review sa Implementing Rules and Regulations ng Good Conduct Time Allowance law para mapirmahan.

Tumanggi muna si Undersecretary Marco na ihayag ang nilalaman ng report pero nilinaw nito na kapag naisumite na ang report ay rerebisahin naman ito nina Guevarra at Año at matapos nito ay ipa-publish ito sa mga pahayagan bago ipatupad ang binalangkas na bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.


Una nang naglabas ng Joint Department Order ang Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) para magbuo ng Joint Committee na magre-review sa IRR ng R.A. 10592 o GCTA Law.

Nakasaad din sa dalawang pahinang joint order na pirmado nina Guevarra at Año na pag-aralan din ang polisiya at guidelines sa computation ng credit allowance ng mga inmates sa ilalim ng GCTA law.

Facebook Comments

From Advertisers