Sinisiguro ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na makikta na ang resulta ng mga pagbiyahe sa ibang bansa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gaya ng pledges and commitment ng mga investor ngayong unang quarter ng 2024.
Ayon kay Laguesma, mahigit sa 200,000 trabaho ang inàasahang lilikhain ng mga bilyun-bilyong pisong investment na resulta ng foreign visits ni Pangulo Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ng lalihim na patuloy ang pagkilos ng kagawaran upang mapadali ang proseso ng pagnenegosyo at mapabilis ang employment process upang makapagsimula na ang mga foreign investment.
Sisikapin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapanatili ng industrial peace, pagtiyak na iginagalang ang karapatan ng mga manggagawa at mga employer, at pagpapalakas sa kakayanan ng mga kabataan.
Samantala, umaapela si Laguesma sa employers at business organizations na panatiliin ang kanilang pakikiisa sa DOLE sa pagprotekta sa kapakanan ng mga trabahador.
Ito’y upang makita ang pangarap at layunin ni Pangulong Marcos Jr., na isang Bagong Pilipinas para sa mga bagong Pilipino na mayroong isang buhay na matatag, maginhawa, at panatag, hindi lang sa ating manggagawa kundi pati sa pamilya.