*Cauayan City, Isabela*-Nakalabas na ng ospital ang nasa 35 Patient Under Investigation habang nananatili nalang sa isa ang bilang ng PUI na nasa isolation room sa Cagayan.
Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal ng DOH-RO2, bagama’t negatibo ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa isang ginang mula Delfin Albano na umuwi sa Pilipinas nito lamang Pebrero 21,2020 mula sa bansang Hongkong ay hihintayin pa rin ang opisyal na kumpirmasyon mula sa DOH Central Office para maialis na ito sa bilang ng PUI.
Sinabi pa ni Atal na patuloy na nakatalaga ang doktor sa tanggapan ng OWWA-RO2 para sa medical attention na personal na nagtutungo sa nasabing ahensya.
Gayundin, patuloy ang monitoring sa mga paliparan sa Cagayan para maiwasan pa rin ang posibleng banta ng nakamamatay na sakit.
Hinikayat naman nito ang publiko na makipagtulungan sa kanilang ahensya par sa angkop na impormasyon ukol dito.