Dalawang araw matapos ang halalan, naka-hang pa rin kung sino kina United States President Donald Trump at Democrat Party Candidate Joe Biden ang mananalo sa U.S. Presidential Elections matapos na ma-delay ang resulta ng botohan sa ilang key state.
Batay sa projections ng U.S. network, nananatiling nangunguna si Biden na nakakuha na ng 264 electoral votes matapos na manalo sa estado ng Arizona.
Anim na boto na lang ang kanyang kinakailangan para makamit ang 270 na magic number para iproklamang nanalong pangulo ng Amerika.
Nasa 214 electoral votes naman ang nakuha na ni Trump.
Sa ngayon ay inaabangan na ang resulta ng mga boto sa Georgia, Nevada at North Carolina.
Facebook Comments