Resulta ng rapid antigen test hindi pa kasama sa COVID-19 reported cases ng DOH

Hindi pa naisasama sa total COVID-19 cases ng Department of Health (DOH) ang mga nagpopositibo gamit ang rapid antigen test.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau na sa ngayon ay hindi pa ito kasama sa report ng DOH.

Ang mga datos aniya ay kinukuha mula sa Local Goverment Units (LGUs) at mga health facilities at kasalukuyan pang inaanalisa ng DOH.


Paliwanag pa ni Dr. De Guzman, na sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng kagawaran kung papaano ito ire-report o ipapaliwanag ng klaro sa publiko.

Pero paglilinaw nito, hindi magiging dahilan ang pagsama sa datos mula sa resulta ng rapid antigen test upang mabago ang ating risk classification.

Mananatili aniya sa low risk ang buong kapuluan habang ang Metro Manila naman ay mananatili din sa moderate risk classification.

Facebook Comments