Resulta ng rapid antigen tests, hindi kasama sa daily case bulletin ng DOH

Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa kasama sa daily case bulletin ng ahensiya ang resulta ng rapid antigen tests.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi binilang ang rapid antigen test dahil sa kwestiyunableng resulta ng accuracy at paggamit nito.

Pinaalalahan naman ni Vergeire ang mga Local Government Unit (LGU) na gamitin lamang ang nasabing test sa mga may sintomas, suspected, probable at exposed sa COVID-19 na mga pasyente.


Batay sa datos ng DOH, mula sa 10,000 nagpositibong resulta sa antigen test ay nasa 3,000 lamang sa mga ito ang valid.

Paliwanag kasi ni Vergeire, ang iba ay hindi dumaan sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.

Facebook Comments