Resulta ng review na isinagawa ng WBO tungkol sa Pacquiao-Horn fight, ikinatuwa ng Australian boxer; Ilang medalya, nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Asian Athletics Championship sa India

Sports – Ikinatuwa ng Australian boxer na si Jeff Horn ang resulta ng isinagawang review ng World Boxing Organization (WBO) sa katatapos lang na laban nila ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Sabi ni Horn, sobrang “timing” ang paglalabas ng desisyon lalo’t papunta siya ng Amerika para naman sa imbestigasyon ni Top Rank Promoter Bob Arum.

Aniya, ebidensya ito para patunayang siya talaga ang nanalo sa laban.


Samantala, ilang medalya na ang nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy asian athletics championship sa India.

Nakuha ni Eric Cray ang gintong medalya para sa 400 meters hurdles laban kay Chinese Taipei’s Chen Chieh.

Silver medal naman ang nasungkit ni Mark Harry Diones sa triple jump at bronze medal si Ernest Obiena sa pole vault.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments