Jessy Mendiola – tinawag na “two-timer” ng ina ng ex-BF nitong si JM De Guzman

Manila, Philippines – Inuulan pa rin ng bashers ang aktres na si Jessy Mendiola kaugnay ng relasyon nito sa TV host/ actor na si Luis Manzano.

Matapos ang isyu ng umano’y nag-overlap na relasyon nila sa noo’y karelasyon ni Luis na si Angle Locsin, sinagot naman ni Jessy ang akusasyon ng ina ni JM De Guzman na “sinungaling” at “two-timer” siya.

Ayon kasi kay mommy Han Carteciano Gob, si JM at Jessie pa nang magsimulang makipag-date kay Luis si aktres.


Pero say ni Jessy, noon pa man ay magkaibigan na sila ni Luis at naging close lang sila nang mangyari ang airplane incident nila ni Enrique Gil noong September 2015 kung saan sumaklolo si Luis.

Gayunman, naiintindihan daw niya hugot ng ina ni JM na posibleng caught up pa sa past nila ng kanyang anak.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments