Maaari nang malaman ang resulta ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP) application para sa School Year 2020-2021.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Jesus Mateo, inilabas ang SHS-VP online application results noong August 14, 2020 sa pamamagitan ng Online Voucher Application Portal (OVAP) sa ovap.peac.org.ph.
Ang application period ay mula June 29 hanggang June 24.
Sinabi ni Mateo na naglaan ang DepEd ng higit ₱1 bilyon para matanggap ang 65,000 voucher applicants.
Aabot sa 61,919 applications ang kanilang natanggap, at nang matapos ang screening at nasa 14,006 Qualified Voucher Applicants (QVAs) na maaaring i-download agad ang kanilang certificates.
Nasa 30,209 conditional QVA applicants ay maaaring i-download ang kanilang certificates kapag nagsumite sila ng kinakailangang dokumento hanggang October 30, 2020.
Mayroong 2,819 na automatically qualified sa programa habang nasa 14,855 ang kailangang sumailalim sa correction ng learner information sa pamamagitan ng aplikante o ng validation ng impormasyon gamit ang DepEd Learner Information System.
Ang SHS-VP ay annual program ng DepEd na nagbibigay ng financial assistance sa mga kwalipikadong Grade 10 completers na gustong ipursige ang kanilang Senior High School sa mga pribadong eskwelahan, State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).