Mararamdaman sa susunod na taon ang epekto ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Rosemarie Edillion sa Laging Handa briefing.
Aniya, kung magtutuloy-tuloy pa ang recovery ng bansa aasahan sa susunod na taon ang epekto nito.
Dagdag pa nito, ngayon pa lamang 2022 ay nakabalik na sa pre-COVID levels ang Pilipinas.
Kailangan na lamang aniya na paigtingin pa ang nararanasan na paglago sa ekonomiya.
Sinabi pa ni Usec. Edillion na inaasahan din na sa kalagitnaan ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., makakakita na ng malaking pagbaba sa poverty incidence ng bansa.
Facebook Comments