Resulta sa imbestigasyon sa kaso ni Supt. Nobleza, ang pulis na umanoy nakikipagsabwatan sa isa sa ASG member – inilabas na ng PNP-IAS

Manila, Philippines – Nahaharap sa paglabag sa conduct unbecoming an officer si Supt. Maria Cristina Nobleza, ang babaeng pulis na naaresto sa Bohol kasama ang Abu Sayyaf member na si Renour Dongon.

Ito naging findings ng PNP Internal Affairs Service.

Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, improper ang ginawa ni Nobleza nang magtungo ito sa lugar ng Abu Sayyaf Group na isa sa mahigpit na kalaban ng tropa ng pamahalaan.


sa ilalim aniya ng memorandum circular ng National Police Commission, dismissal sa serbisyo ang kapatapat na parusa para sa isang tauhan ng PNP na masasangkot sa conduct unbecoming an officer.

Tanggal din ang lahat ng benepisyo pati na pension ng isang pulis.

Ayon kay Triambulo, personal niyang isusumite ang report kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Si Dela Rosa, aniya ang may huling pasya kung aaprubahan o ibabasura ang rekomendasyon ng IAS.

Sakaling aprubahan, bababa aniya ang kanilang rekomendasyon sa directorate for personnel and records management para mai-implementa ang desisyon.

April 25 nang simulan ng IAS ang imbestigasyon at katatapos lamang nitong nakalipas na dalawang linggo.
DZXL558

Facebook Comments