Resulta sa imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagkakasunog sa Nortre-Dame Cathedral, inilabas na

Walang nakitang ebidensiya ang mga otoridad sa France na sinadya ang pagkakasunog sa Nortre-Dame Cathedral noong April.

Sa inilabas na pahayag na pirmado ni Paris chief prosecutors Remy Heitz, sinabi nila na mula sa napabayaang nakasinding sigarilyo at faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog sa simbahan.

Bunsod nito, isang malalimang imbestigasyon ang isasagawa upang alamin kung may nangyaring kapabayaan sa insidente.


Noong Abril 15 ay tinupok ng apoy ang 850-year old cathedral na nagsimula sa bubong ng simbahan.

Facebook Comments