Resumption order para sa pag-buhay muli ng peacetalks, hindi pa matiyak ng Palasyo

Hindi pa masabi sa ngayon ni presidential spokesman atty Salvador Panelo kung maglalabas ng panibagong kautusan ang office of the president para sa muling pagbuhay ng peacetalks.

Matatandaan na ipinag utos ng pangulo noong marso na i-terminate ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at cpp npa ndf dahil sa hindi natigil na pag atake ng mga ito laban sa pwersa ng gobyerno at mga sibilyan, patunay ng kawalan ng sinseridad ng komunistang grupo.

Ayon kay Panelo, aalamin pa niya sa Pangulo kung may pangangailangang maglabas pa ng kasulatan para sa pagpapanumbalik muli sa negotiating table ng magkabilang panig.


Wala pa naman aniyang nakatakdang pagpupulong ang magkabilang kampo para sa preliminary o informal talks.

Samantala, sinabi ni panelo na posibleng ang kakulangan ng mga opisyal na bubuo sa peace panel ng gobyerno ang dahilan kung bakit itinalaga ng pangulo bilang isa sa mga myembro si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon kay Panelo, sa kanyang pagkaka alam kasi, si Labor Secretary Silvestre Bello pa lamang mula sa gabinete ang nasa government peace panel, kaya isinama na rin dito si Executive Sec Medialdea.

Facebook Comments