Resupply mission sa Ayungin Shoal tuloy sa kabila nang pang-ha-harass ng Chinese Coast Guard

Magpapatuloy ang resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), makaraang itaboy ng Chinese Coast Guard ang unang pagtatangka na magdala ng pagkain sa mga tropa ng Pilipinas na nagbabantay roon.

Ito ang sinabi ni National Security Adviser at National Task Force for the West Philippine Sea Chairman Hermogenes Esperon, kasabay ng mariing pagkondena sa panibagong insidente ng pang-ha-harass ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa WPS.

Aniya, maghahatid lang ng pagkain ang 2 bangkang Unaiza Mae 1 at 3 sa mga sundalo na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayunging Shoal nitong November 16, nang harangin ng 3 malalaking barko ng Chinese Coast Guard, at ginamitan ng water cannon para itaboy.


Kaya naman napilitan na lang na bumalik sa Palawan ang dalawang banka.

Ayon kay Esperon, naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest sa China sa pamamagitan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Sinabi pa ni Esperon na babalik sa Ayungin Shoal ang mga magdadala ng supply, at naka-standby ang Philippine Coast Guard (BCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para ipatupad ang batas ng Pilipinas sa karagatang sakop ng EEZ ng bansa.

Facebook Comments