Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa posibleng retaliatory attack ng ISIS sa iba pang lugar sa Mindanao.
Ito ang sinabi ni Pangulog Duterte sa harap narin ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi pa man ito nangyayari ngayon pero hindi malayong mangyari ito sa hinaharap dahil sa pagpasok ng ISIS sa Mindanao.
Kasabay nito ay hinamon din naman ni Pangulong Duterte ang mga nasa Metro Manila na nagmamarunong na tumira sa Mindanao para malaman ng mga ito kung gaano kadelikado sa lugar.
Samantala, sa Mindanao Hour naman ay sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na napaatras na ng Militar ang puwersa ng BIFF na sumugod sa isang Paaralan sa Pigcawayan sa North Cotabato.
Retaliatory attack ng ISIS sa iba pang bahagi ng Mindanao ibinabala ni Pangulong Duterte
Facebook Comments