Retiradong Philippine Navy Chief, pabor sa pinalawig na termino ng mga key official ng AFP

Malaki ang maitutulong sa organisasyon ng pinalawig na termino ng ilang pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isang panayam sinabi ni retired Vice Admiral Robert Empedrad, dating flag officer in command ng Philippine Navy na mas matutukan ng chief of staff ng AFP ang kanilang program kung tatlong taon itong nasa pwesto.

Apektado raw kasi ang mga programa ng AFP kung mabilis magpalit ng namumuno.


Para kay Empredad maganda kung matutuloy ng isang AFP chief ang mga programa na gusto niya para sa military organization.

May tiyansa rin daw sa pamamagitan ng bagong batas na magagaling na AFP officials ang mamumuno sa AFP.

Matatandaang una nang nagpasalamat ang AFP sa pagpasa ng RA 11709 na nagpapalawig sa tatlong taon sa termino sa mga key official ng militar.

Facebook Comments