School-based vaccination areas, ilalagay ng DOH sa mga paaralan

129

Maglalagay ang Department of Health (DOH) ng school-based vaccination area sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang resolusyon na maghihikayat ng pagbabakuna sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Education (DepEd) at Local Government Units (LGUs) para mapadali ang pagbabakuna sa mga bata.


Gayunman, nilinaw ni Cabotaje na dapat pa ring gawin ang pagbabakuna nang may pahintulot ng mga magulang o guardian at ng mismong mag-aaral alinsunod sa mga alituntunin ng DOH.

Facebook Comments