
Isang retired general ang itinuturo ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y nag-recruit sa mahigit 100 bodyguards na iniuugnay sa kontrobersyal na 18 ex-marines.
Ayon sa NBI, sa kanilang imbestigasyon sa mga indibidwal na nagpakilalang naghatid umano ng maleta-maleta ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno, lumalabas na hindi sila lahat nagsilbi sa dating kongresistang si Zaldy Co.
Ayon kay Melvin Matibag, direktor ng NBI, sa kanilang paunang beripikasyon ay may inconsistencies o pagkakaiba sa mga pahayag ng mga indibidwal sa kanilang joint affidavit.
Batay sa pagsusuri ng NBI, apat sa 18 ang kumpirmadong driver o bodyguard lamang, kaya mas angkop na tawagin silang “14 ex-marines and others.”
Dagdag pa ni Matibag, walo na sa mga indibidwal ang natukoy ng NBI kung kanino talaga nagsilbi bilang driver o bodyguard, at lumalabas na hindi sila kay Co naka-assign.










