RETIRED | Justice Presbitero Velasco Jr., pormal nang nagretiro ngayong araw

52

Manila, Philippines – Kasabay ng kanyang ika-pitumpung kaarawan ngayong araw, pormal nang nagretiro si Supreme Court Associate Justice Presbitero J. Velasco Jr.

Si Justice Velasco ay nagsilbi bilang Chairman ng 3rd Division ng Korte Suprema.

Siya ay naging Court Administrator din ng Kataas-Taasang Hukuman.

Si Justice Velasco ang ika-157th na mahistrado ng Korte Suprema.

Kahapon sa isinagawang en banc session ng Supreme Court, isang seremonya ang pinabaon sa kanya ng kanyang mga kapwa-mahistrado.

Facebook Comments