
Arestado ang isang retired Philipine Marine matapos itinurong nagpaputok ng kaniyang baril noong Bisperas ng Pasko sa Barangay Balingasag, Bago City, Negros Occidental.
Batay sa ulat nga Bago City PNP, isang concerned citizen ang tumawag sa Police Station at nagsumbong na mayroong nagpaputok ng baril nang sunod-sunod sa kanilang lugar habang lasing.
Sa pagresponde ng mga awtoridad, kaagad naman na pinasungalingan ng suspek ang alegasyon ngunit narekober ng mga awtoridad ang isang basyo ng bala at isang .45 caliber at mga bala nito sa kanyang bahay.
Sa ngayon, nasa kustodya na ng mga awtoridad ang suspek para sa disposisyon ng kaso.
Facebook Comments










