Retired policeman, natagpuang patay sa sidewalk sa Malate, Maynila

Isang 67-year-old na retiradong pulis ang natagpuang wala nang buhay sa sidewalk malapit sa Manila Zoo sa Malate, Manila.

Kinilala ang biktima na si retired SP02 Jaime Limon ng Sucat, Paranaque City.

Siya ay nakilala sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP) identification card at driver’s license na nasa kanyang wallet.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) na isang vendor ang nakakita kay Limon na umiinom ng tubig at nahihirapang huminga habang nakaupo sa sidewalk.

Umalis saglit ang vendor para bumili ng pagkain at pagbalik nito ay nakahandusay na ang retired policeman.

Isinugod pa ito sa pagamutan subalit hindi na ito nailigtas.

Facebook Comments