Mahigit 5 bilyong halaga ng shabu narekober sa isang Chinese at dalawang Pinoy sa Marilao, Bulacan

Nakumpiska ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit at Bulacan Police Provincial Office ang 756 na kilo ng shabu sa tatlong suspek sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan.

Kinilala ang tatlong drug suspek na sina Yuwen Cai, Chinese national at mga Pinoy na sina Angela Miole Tulio at Ma. Lyn Miole Tulio.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, alas 3:00 ng hapon kanina ng ikasa ang operasyon dahilan para makuha sa tatlong suspek ang 63 kahon o 756 na kilo ng shabu na may halagang P5.1 billion.


Nakuha rin ng mga pulis ang buy bust operation ang boodle money na isang milyong piso.

Agad naman tumungo sa area si PNP Chief General Archie Francisco Gamboa para mismong makita ang sandamakmak na droga.

Facebook Comments