Ilan sa mga retirado na sa serbisyo sina Gng. Prexie A. Caronan, dating Chief Labor at Employment Officer, dating nanguna sa DOLE – Cagayan-Batanes Field Office (CBFO), Gng. Eva M. Badua, dating Senior Labor at Employment Officer, pinakahuling tauhan ng DOLE-CBFO, at G. Saturnino A. Martinez, dating Accountant III dating OIC-Supervising Labor and Employment Officer ng Technical Support Services Division (TSSD).
Nagsilbi ng kabuuang 34-taon sina Gng. Caronan at G. Martinez habang sina Gng. Badua ay nakapag-ambag naman ng 32-taon sa government service.
Samantala, pinangunahan ni Regional Director Joel M. Gonzales at Assistant Regional Director Jesus Elpidio B. Atal, Jr. ang pagpupulong ng Management Committee (ManCom) sa DOLE RO2.
Ang naturang pagpupulong ay upang pag-usapan ang mga updates at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo sa paggawa, pangunahin na ang pag-apruba ng Commission on Elections (COMELEC) sa kahilingan para sa exemption sa election ban ng DOLE para pagtibayin ang implementasyon ng programa at serbisyo sa panahon ng election.