Manila, Philippines – Isinusulong ni Senior Citizens Party list Rep. Francisco Datol Jr., ang pagbuo ng pamahalaan ng retirement program para sa mga OFWs.
Ayon kay Datol, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, aabot sa halos 400,000 OFWs ang nasa edad 45 taong gulang pataas kung saan ilang taon na lamang ay magreretiro na ang mga ito.
Tinukoy ni Datol na karamihan sa mga OFWs ay walang retirement plan o pensyon sa oras na tumigil na sila sa trabaho.
Hinikayat ng kongresista ang pamahalaan at ang pribadong sektor na bumalangkas ng retirement packages para sa mga OFWs na magreretiro.
Pinakikilos ng mambabatas ang Overseas Filipino Bank (OFBank), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magtulungan para sa pagbuo ng retirement programs ng mga OFWs.
Sakop ng itinutulak na retirement packages ang mga documented at undocumented OFWs.